Hango mula sa Column ni William Esposo (The Philippine Star)
"Nakaranas na ba kayong ... mamatayan ng kapatid dahil wala kang perang pangpagamot?" – Tanung ni Villar in his Panata TV commercial. Tinutukoy ni Villar dito ay yong nakababatang kapatid na si Danny na namatay noong Oktubre 1962. Sa komersyal na ito pinakita pa yaong larawan nilang dalawa.
Itong pagpapakita na sila ay dating mahirap ay isang makalaking kasinungalingan na makikita rin sa iba pang komersyal ni Villar upang makakuha ng awa at suporta sa mga masa at mahihirap na Pilipino na bumubuo ng 90% ng botante. Pero, etong paggamit niya sa pagkamatay ng kapatid ay katumbas kung hindi man mas masaklap pa sa mga kasinungalingan ni GMA.
Dalawang pampublikong dokumento ang magpapatunay na puro kasinungalingan ang imahe na gustong ipakita ni Villar: (a.) Death Certificate ni Danny Villar at ( b.) Transfer Certificate of Title (TCT number 135396/3194) ng 560 sq. meter na lupa sa San Rafael Village sa Navotas kung saan sila tumira.
Bilang patotoo sa mga kasinungalingan ni Villar, narito ang mga tunay na impormasyon tungkol sa estado ng buhay nila noong panahon na namatay ang kanyang kapatid:
Bago mag-1962, ang magulang ni Villar ay bumili ng 560 sq. meter na lupa sa Bernardo Street sa San Rafael Village kung saan ang mas nakakaangat sa buhay (middle class) ay nakatira. Nangyari ito bago pa man namatay ang kanyang kapatid na si Danny.
Ang kanyang ama ay nagtratrabaho noon sa gobyerno bilang budget officer ng DANR (Department of Agriculture and Natural Resources) kung saan nasa ilalim nito ang Fisheries Bureau. Samantalang ang kanyang ina ay isang seafood (sugpo, alimango, at isda) dealer sa Divisoria at hindi magtitinda na tulad ng sinasabi ni Villar.
Ang kita ng magulang ni Villar ay tiyak na mas malaki ng di hamak sa karaniwan upang makabili ng 560 sq. meters na lupa. Ang isang ordinaryong tao ay bumibili ng di hihigit sa 100sq. m na lupa upang tirikan ng bahay. Sa katunayan, nakapagloan pa ang kanyang ama ng P16,000 sa GSIS (na kung isusuma ang halaga sa ngayon ay di bababa ng P1.14 Million)
Sa ngayon, ang lupa nilang yaon ay may halaga na di bababa sa 5.6M pesos base sa zonal value na P10,000 kada sq. meter.
Si Manny Villar ay nagtapos ng elementarya sa "Holy Child Catholic School" at sa Mapua Institute of Technology sa High school. Parehong pampribadong paaralan. Ang mga mahihirap ay sa pampublikong paaralan lang kayang pag-aralin ang kanilang mga anak.
si Jun Borres, na nakabili ng property nina Villar noong 1987, ay sinasabing ang bahay nina Villar ay 2 palapag. Ang Ibaba ay bato samantalang kahoy ang itaas. Ito ay tipikal na bahay ng isang pamilya na kabilang sa upper middle class.
Ang mga impormasyon naman hinggil sa pagkamatay na kapatid niyang si Danny:
Ang death certificate ni Danny ay nagpapatunay na nakatira sila sa nabanggit na bahay nuong pang 1962.
Hindi totoong namatay si Danny dahil walang maipangpagamot. Si Danny ay tumagal ng 13 araw sa FEU Hospital kung saan namatay siya sa edad na 3 taon at 8 buwan. Kung totoong mahirap sila, dapat sa PGH sya dinala at hindi sa FEU hospital. Ang FEU hospital ay kabilang sa de-primerang hospital noong mga panahon na iyon.
Si Danny ay namatay sa Cardiac and Respiratory Failure dahil sa Leukemia. Noong 1962, wala pang bone marrow transplant at chemotherapy at lahat mayaman man o mahirap ay namamatay sa ganung sakit.
Pagkamatay ni Danny, siya ay ibinurol sa LA FUNERARIA PAZ – na hanggang sa ngayon ay kinukonsidera na isa sa pinakasikat at mamahalin sa ganuong serbisyo. Muli, eto'y patunay na sila'y di mahirap na katulad ng sinasabi ni Manny.
Paanong ang isang kapatid na tulad ni Manny Villar ay gamitin sa kasinungalingan ang magagandang alaala ng kanyang kapatid na si Danny? Paano niya nataim na palabasing mahirap sila upang gamitin sa personal na interes at palabasing siya ay minsan na rin naging mahirap at pasinungalingan ang magagandang bagay ni ipinagkaloob sa kanya ng kanyang ama't ina?
Kung kaya ni MANNY VILLAR na magsinungaling na katulad nito, ano pa kayang kasinungalingan ang kaya niyang gawin sa taong bayan? Sa tingin nyo ba, kaya ng taong tulad nito ang magsabi ng totoo at iangat ng pamumuhay ng mahihirap? Sa tingin nyo ba, hindi rin kaya ng taong ito na mangurakot at magnakaw para sa sariling interes? Kung ginamit at itinatwa niya ang dangal ng kanyang pamilya sa kasinungalingan, hindi kaya't ang dangal ng bayan ay kaya rin niyang ibenta? Kayo ang magpasya.
Monday, April 5, 2010
Kasinungalingan ni Villar
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment