Hay naku…expire na passport ko, kailangan ko na uli mag re-new. Balita ko bago na ang passport ngayon, lagi ko naririnig sa balita na “Machine readable” na daw ang pasaporte ngayon.
Ano kaya ang DFA ganun pa rin ba?, pareho pa rin ba ng sistema makalipas ang pitong taon ng una akong kumuha ng passport?
Maaga akong pumunta sa DFA pero di gaya ng dati na ako lang magisa, ngayon may kasama ako sa pagrerenew.
Pagdating naming sa lugar, sa kalsada ay nagkalat pa din ang mga fixers at mga taong nagakukunwaring empleyado na nakabarong pa kaya aakalain mo na empleyado sila ng DFA na nagbibigay ng forms.
Pagdaan mo pa lang sa labas haharangin ka na kaagad ng mga taong naka uniformi , nakasuot ng barong at may ID pa pero ang ID nakatalikod para hindi makilala, ang unang tanong sa iyo agad ay kung kukuha ka ng bagong passport o magrerenew, kapag sinabi mo alin man sa dalawa, ang isusunod na tanong ay kung may forms ka na ba , kapag sinabi mo na wala pa ay agad kang aakayin papunta sa isang establisyemento at kunwari bibigyan ka ng “forms” tapos ay sasabihin sa iyo na magpakuha ka ng litrato sabay turo sa isang booth na sa kanila pa din, sa tema ng pananalita nila ay aakalain mo na empleyado sila ng DFA dahil pautos kung sila ay magmando sa iyo kaya naman maeengganyo ka na kumuha ng forms at magpakuha ng litrato sa kanila, pero pagdating sa loob ay makikita mo na iba ang forms na binibigay nila sa original forms na binibigay ng DFA..
Pagpasok sa loob ay hindi namin alam kung saan kami pupunta, may nakita kaming nakapila papasok sa basketball court kaya nagtanong kami kung anong pila yun, sinabi nga sa amin na pila daw yun papasok sa loob para makakuha ng forms kaya pumila kami. Gaya noon sa basketball court pa din kumukuha ng forms at nagveverify ng records, ang pinag iba lang ay may bubong na ito na di gaya ng dati ay open lang kaya babad ka sa init o ulan.
Pagpasok sa loob ay nagkakatulukan pa din papano’y iisa lang ang daaanan papasok at palabas ng basketball court kaya minsan sa dami ng tao sa labas ay di na makalabas pati ang mga tao sa loob na tapos na sa verification. Dapat sana ay sana ay hiwalay ang labasan at pasukan para hindi magkatulakan.
Pagpasok sa loob ay kumuha kami ng forms napansin ko na iba ang forms na binigay sa amin sa labas sa original na forms na ginagamit ng DFA, ang kuhaan ng forms di mo agad mapupuna dahil nasa isang sulok sa dulong bahagi ng basketball court. Di mo mapupuna dahil wala man lang malalaking sign board na nakalagay, pagkuha mo ng forms ay pupunta ka sa mga mesa na nasa mga tabi na gagamitin mo para makapagsulat sa forms na binigay sa iyo, gaya ng dati ay ganun pa din ang sistema, bakit kaya hindi na lang nilagay ang kuhaan ng forms at sulatan sa labas ng basketball court para ang mga taong nasa loob at yung mga taong magpapaverify lang. Nang matapos ko na masulatan ang forms na binigay,pumila uli ako para magpakuha ng litrato sa isang booth na makikita sa loob ng basketball court, doon na kami nagpakuha ng litrato ng kasama ko dahil mas malaki ang tsansa na hindi marereject ang litratong kukunan dito, kung marereject man ay madali mo maerereklamo sa kumuha ng litrato.
Nang matapos magpakuha ng litrato ay inayos namin lahat ng mga kakailanganin tapos ay pumila uli para sa verification ng application,Habang nakapila nakaramdam ako ng kakaiba, call of nature hehehe, kaya naghanap ako ng comfort room, may signboard ako na nakita na nagtuturo kung nasaan ang comfort room , pero nung hinanap namin ay wala naman kaming nakita, kaya kaya tiis na lang muna.
Nang matapos ang verification ay lumabas na kami sa basketball court pumila uli kami papasok sa building na ng DFA, doon tinignan yung application namin, tinanong kung overtime kasi iba ang bayad kung overtime o regular day ang processing ng passport mo, kapag overtime mabilis mo makukuha, one week lang makukuha mo na.
Ang pinili ko overtime para mabilis ang processing, ginawan nila ng resibo para mabayaran sa cashier na makikita sa loob ng conference room ng DFA, pila pa din ang pagpasok doon, nana mabayaran na namin ay pumila uli kami para naman sa encoding ng records sa computer , dito inabot kami ng apat na oras, nang matapos ang encoding ay binigay sa akin ang printout ng records tapos ay pinapunta uli kami sa isang area na doon naman kami mag lalagay ng thumbmark sa printout na binigay sa amin, tapos ay ibinalik uli namin ang printout na may thumbmark doon sa nagencode ng records, tapos ay pinababalik kami sa araw na nakalagay sa resibo kung anong date ka babalik para sa releasing ng passport.
Noong una akong kumuha ng passport, pitong taon na ang nakakararaan ay di kakikitaan ng malaking pagbabago ang sistema ng pagkuha ng passport, nagpalit palit na ng mga taong nakapwesto sa DFA pero ang sistema di pa rin nag babago, siguro nga kaya nahihirapang umasenso ang pilipinas dahil ang mga lider lang ang nagbabago pero ang sistema nakagisnan ay hindi na iimprove, sino ba ang dapat magisip para mapaganda ang sistema, tayo bang mamamyanan na nagbabayad ng buwis na pampasweldo sa kanila , o silang mga nakaupo na syang nagapapapasasa sa buwis natin.

No comments:
Post a Comment